Monday, February 28, 2011

ramon bautista + vodka = sabog! :D


dahil di pa ko antok at gusto ko ng matulog ng mahimbing, nag basa ako ng entries ni ramon bautista sa http://www.formspring.me/ramonbautista. sinamahan ko pa ng vodka. some of my fave entries below. though di ko nabasa lahat dahil inantok na ko. wasak! :)

fan: anong maipapayo mo sa mga kabataang nalululong sa droga...?
ramon bautista: tigilan nyo yan. marami pang non-drug sources of happiness like video games, dvds, hangin out with friends, travel, pets, food, the internets, creating arts and crafts, physical fitness, videokeing to name a few. i didnt mention love because its like a drug

sir, anong bagay na title sa blog? yun "superb"! yun pumepeklat ba sa isip ng tao.. cook ako idol... alright!
kung may food blog ako tatawagin kong "lamon bautista" pero ako yon

Nakita kita nuon sa Henlin sa NLEX. Mag-isa. Nahihiya akong lapitan ka nuon eh. Pag nakita kita ulit, pwede ba magpapicture? btw single ka ba ngayon?
wow talaga? naku sana nilapitan mo ko. kung nagpapicture ka, malay mo madevelop tayo at siguro hindi ako single ngayon hihihi

sweet -->>> Happy Valentines Day Sir Ramon :) Mahal ka po ng milyon milyon mong fans at isa na ako dun
kung may 1 million roses lang ako, binigay ko sayo yung isa :)

monrak, bakit namatay si wolverine? :))
nagkamot ng balls, tapos biglang may nag joke..ayun

Sir ramon bakit kaya nilalait ako palagi nung ex ng bf ko? di naman kami magkakilala and twice palang kami nagkikita.
kung ang pangalan nya ay clara at sayo naman ay mara, sadyang ganyan talaga ang gulong ng inyong mga palad

Sir, alam natin na ang "extremes" ay panget.. pano mo malalaman na nasa edge na ang pagmamahal mo sa isang babae?
para sa akin ang pagmamahal ay walang dulo. wasak kung wasak kung hindi wag nalang<<--- favorite ko 

It's almost 1am. Di pa umuuwi yung boyfriend ko. Tingin mo, ano bang matinong bagay ang ginagawa ng mga lalaki pag madaling araw?
nagwe webcast, nag dodota, nageemote, o kaya nasa bahay na talaga ayaw pero lang makipag usap

How and where will you spend Valentine's Day?
sa bahay lang. ooffline sa ym at sa facebook chat at lalong lalo na hindi sasagot ng formsprings para isipin ng mga tao may date ako

Pwede po magtanong? How would you know if a guy is a straight guy o kung pilantik/pusong babae pala sya? Please answer! We need help. haha! Thank You!
pasampolin mo ng kanta ni lady gaga. pag naka 2 lines, kumpirmado. 

4 kami sa room dito sa dorm. Problem is, the other girls are super messy. I try my best to keep my space clean since wala naman akong magagawa sa kanila. But we share the same CR, wc I clean, tas di manlang ma-maintain. Pano ba ang swabeng approach ditey?
isang gabi punit punitin mo ng suot mo at magpanggap ka na sinasapian ka. sa boses na garalgal, sabihin mo "lelechonin mo ang mga mababoy sa kwarto ditey". dapat convincing yung acting para maging neat freak din sila

Napanood ko "Love and Other Drugs" kanina, totoo pala talaga na may hawig kayo ni Jake Gyllenhal. Pag gagawa ka movie, suggest ko title eh "Ramon and Other Gwapos"
ok na sana hanggang nakita ko na lalake ka pala. apir pard

Kung hindi totoo ang burnout sa trabaho, hindi rin ba totoo ang burnout sa love?
san ka nakarinig ng "mahal kita pero tinatamad ako sayo"

Gano katagal po dapat magpaligaw? Baka kasi mag sawa?
bat pinatatagal mo pa, edi sagutin mo na

i agree sir ramon, sobrang badtrip kapag ka-text mo ay "no reply"
diba? para kang nasabihan ng "ampanget mo sayang piso ko" without saying a word

cno ang pnakamadaling lokohin sa lahat?
ang ating mga sarili

*check out http://www.formspring.me/ramonbautista for more wasakan moments :)

No comments:

Post a Comment