Monday, February 28, 2011

Usapang pHcare (huwag basahin kung sensitive...)

Galing kami sa MYX-Pure 'n Fresh awards event, nanoood, nag-assist ng TV crew at press, at nag-interview sa mga artista tulad nina Luis Manzano at Nikki Gil tapos andun din sina Jon Avila (ex ko), Marc Abaya, Gigger Boys at marami pang iba.

Dahil event ito ng feminine wash, malamang sangkatutak na pHcare ang giveaway nila di ba. So di maiwasan na magkwentuhan kami ng friends ko tungkol dun. Ito yung conversation namin:

Friend 1: Alam niyo ba, may sasabihin ako. Di ba pHcare to, syempre medyo for sensitive skin siya di ba?

Friend 2: Eh ano ngayon?

Friend 1: Girl, ginamit ko siya sa face! Hindi siya pwede kasi nagka-pimples ako!

All: Hahahaha..

Me: E wala kayo dun sa kwento ng boyfriend ko. Kung ikaw ginamit mo sa mukha, ung pamangking babae naman ni bf, ginamit ung pHcare sa buhok, akala shampoo. Itago na lamang natin yung bata sa pangalang Maria. Mga 6 years old siguro si Maria.

Friend 2: Anong nakakatawa dun?

Me: Kasi paglabas sa CR ni Maria, sabi ng 8 year old kuya ni Maria, ''Mommy, mommy, bakit amoy pepe si Maria?

All: Hahahaha...

After 10 mins...

Friend 2: Pero alam mo kung anong pinagtataka ko.. bakit alam nung 8 year old na bata kung ano ang amoy ng pepe?

All: Oo nga noh... hmmm.... hahahahaha...

pH care.. facial wash and shampoo...

No comments:

Post a Comment